BABAYLAN

Marami  parin sa ating mga Pilipino ang di lubusang na uunawaan o hindi pamilyar sa tinatawag nating babaylan . Ang ilan sa atin ay kinamumuhian at kinatatakutan pa ang  salitang ito. Ano nga ba ang babaylan at ano ba ang koneksyon nito sa ating lahi? Ito ang isa sa mga tanong na pilit nating pinag tatalunan at pinag didiskusyonan sa bawat usaping kultura o pamayanan  na di naman lubusang matanggap  o maunawaan ng karamihan sa atin.

Malaki ang ginampanan ng mga babaylan sa ating kasay-sayan.Sila ang mga  itinagong bayani ng ating lahi.Ang mga babaylan ay ang taga pamagitan sa mga Anito,Diwata o Ispiritu ng kalikasan.Sila din ay taga pamuno sa mga ritwal ng isang pamayanan o tribu tulad ng ; pag aani,pag tatanim,ritwal upang itaboy ang masamang epidemya atbp..

Nang  madugong pilit na sinakop ng mga kristyano (espanyol ) ang ating bansa dugo’t pawis  na ipinag laban ng mga punong babaylan ang karapatan at kultura na ating pinag mulan. Ipinag laban ang karapatang mag ritwal sa mga anito o diwata,ang pag sunod sa mga pilosopiya ng mga ninuno at ang paniniwalang paganismo. Ang mga kristyanong espanyol  ay sadyang masinop at marahas na ipinatupad ang kanilang layuning mananakop. Ipinalaganap nila sa pamayanan na ang gawaing babaylan ay maka "demonyo" kayat  wag itong pamarisan.At kung sino man ang lumabag ay makakatikim ng kaparusahan tulad ng pag kulong at pag papahirap hanggang sa pilit mong tanggapin ang paniniwalang kristyanismo .

Tinugis nila ang kinaroroonan ng mga babaylan kasama ng kanilang mga nasasakupan at pilit pinapa lipat ng pananampalataya (convert) . Karimahan ay pinahirapan at matapos pinatay ay pinag kukuhang pilit ang mga kagamitang pang- samba o ritwal.Sinunog at tinapon ang mga anito o idulo na kanilang inaalayan. Ngnit nagging matatag pa rin ang mga babaylan patuloy parin nilang isinasagawa at itinuturo ang gawaing babaylanismo sa kanilang nasasakupan. Ngunit di nag laon tuluyan  pa ring nasakop ang ating bansa at unti –unting na itago ang mga kalaman at gawaing babaylanismo.

KATAWAGAN AT KASARIAN


Ang salitang babaylan ay madalas na maririnig sa kabisayan. Ngunit tinatawag din itong Katalonan sa katagalugan ,mumbaki sa Ifugao, balian sa mga Ayta,bailan sa mga Manobo,baylan  sa Tagabanwa,Mabalian sa bagobo ,baylana ,bilan,at marami pang iba.Kadalasan babae ang isang babaylan ngunit ayon sa pananaliksik  marami din umano ang mga Lalaking babaylan. Ito ay ngangahulugan na di lamang eksklusibo sa kababaihan ang pagiging isang babaylan. Ngunit may ilang paglilinaw din na may mga tribu na babae lamang ang may karapatang maging babaylan at lalaki naman sa iba. May  roon din na mag kahiwalay na katawagan  tulad ng Baylan kapag lalaki at baylana sa babae. Madami mang katawagan  ibat-ibang lugar man ang pinag mulan ngunit iisa parin ang layunin at responsiblidad na ginagampanan ng mga babaylan . Sa ibang tribu o pamaynan liban sa pangunguna sa mga spiritwal na gawain ang mga babaylan ay sya naring tumatayo na pinunong politikal ng buong  nasasakupan .At sa iba naman ay mag kahiwalay  na tao ang gampaning politiikal at spiritwal. Tulad na lamang sa tribu ng mga Manobo ng Mindanao . Ang pinunong politikal ay tina-tawag na DATU at  BAILAN naman sa tagapamunong spiritwal.

PAGHIRANG NG ISANG BABAYLAN

Ang pagiging isang babaylan ay nakadipende sa tribu o pamayanang pinagmulan. Mayroong tinatwag na “tawag ng lahai “(calling) at  itinakda o saling lahi.  Ang tawag ng lahi ay kusang  nararamdaman  ng isang tao maaring idinaan sa panaginip ,inoutos ng kataas taasang  pag iisp (higher self ) o may bugso ng damdamin sa gawaing babaylanismo. Ang itinakda naman ay may proseso ng lahi na pag dadaanan .Kadalasan ang punong babaylan ay mamimili ng mga kabataan,kamag anak o ka pamilya din. Ituturo nya rito ang mga lihim na kaalaman o gawaing babaylan at mga pilosopiya. Dadaan ang isang takda o napiliing babaylan sa ilang ugnay-ugnay  at sagrado na mga ritwal.

By: Batahra (PK. Tribmakan)


baluti
5/18/2011 05:54:09 pm

ayos ipag patulo nyo lng ang pag buhay sa ating lahi. kultura at paganismong pinoy.

Reply
Kirk
6/13/2013 05:28:07 am

Good.. Lapit kayo sa Gov't Agencies
:)

Reply
Blue Domingo
10/1/2014 01:04:27 pm

Hello po sa inyo,

Paano po ba maging Baylan at sumali sa Tribmaka? Marami pong Salamat

Reply
Admin
7/10/2015 10:57:46 pm

Kindly txt at 09274774030

Reply
jojojokojoj
6/30/2015 12:56:54 pm

Whaaat whaaaatttt whaaaatttt whaaaatttt whaaaatttt whaaaatttt whaaaatttt



Reply
jovylyn
12/11/2015 02:24:14 pm

Hello po :)
Good Day sa Inyo.. Tatanong ko lang po kung may mga alam kayo na pangalan ng mga babaylan..
tas kung saan po sila nagmula..
salamat po sa pag response..

Reply
waka
5/6/2016 01:37:11 pm

saan ba nag mula nag BabAy|_an .. Hindi ba nag punung babAllan at sang royal blood. Tama ka na ang tingin sakanila ay masam at hindi nila alam ang kahalagan ng mga ito kht sa kasaluqyan.

Reply
waka
5/6/2016 01:45:56 pm

Hindi ba nag i sang punung babailan ay isang royal blood

Reply
bhing
8/19/2016 11:10:26 pm

Hello po..need ko po sana ang help ninyo..sino po pwede ko kontakin..pki reply lan po sa email address ko po..maraming salamat po...sana makatanggP agad ko ng maagang sagot mula s inyo..maraming salamat po.

Reply
bhing
8/19/2016 11:12:35 pm

Hello po..need ko po sana ang help ninyo..sino po pwede ko kontakin..pki reply lan po sa email address ko po..maraming salamat po...sana makatanggP agad ko ng maagang sagot mula s inyo..maraming salamat po.

Reply



Leave a Reply.