ALAY

1/14/2013

0 Comments

 
Picture

ALAY 

Ang pag aalay ay bahagi na ng mga ritwal noon pa man.Ibat ibang kultura at tribu ay may  ibat ibang pamamaraan o proseso. Dito sa Pilipinas ay madalas natin naririnig ang pag-aalay ng manok o ng mga  hayop ,nga-nga ,alak, ibat ibang uri ng kakanin at mga bulaklak. 

Narito ang ilan sa mga kaalaman na aming nalikom sa pag sasabuhay bilang isang makabagong mga DIWATAAN.

  • BAKIT MADALAS SA ATING BANSA GINAGAMIT ANG MANOK ,BABOY,BAKA O KAMBING?
Sa pagkat ang pang araw-araw na  kinabubuhay ng ating mga ninuno o katutubo  ay ang pangangaso at kung inyong mapapansin ang mga hayop na kadalasang iniaalay ay kanila ring mga napangaso o kinakain. Sa ilang paniniwala na ang mga anito ay minsang naging tao kaya kung paano ituring at igalang ang kanilang sarili ay s'ya ring pag galang sa nkatatas na nilalang o ninuno.

  • PARA SAAN ANG BABOY,PUTI O ITM NA MANOK AT IBA PA?
Kadalasan ang PUTI na manok ay iniaalay sa mga simple o nakakababang mga ritwal tulad ng pag bas-bas ng isang tao ,bagay o lugar. halimbawa na rito ang ritwal ng "PADUGO" na kung saan pinapaduguan ang isang lugar tulad ng bagong bahay , tulay o daanan para mag bigay ng respeto sa mga nilalang o spirito na maaring naninirahan. Ang ITIM naman ay kadalasang iniaalay sa mga nakatatas na ritwal tulad ng pag taboy ng Masamang nilalang sa loob ng katawan ng isang tao o para bigyang diin ang pag-aalay( kung baga pag di nakuha sa puti sa itim naman) o kaya tulad ng mga pag bawi ng sumpa o paghingi ng isang paumanhin sa mga anito .May mga anito kasi na gusto ang itim o puti dipende sa mga sinyales na ipinapakita sa isang babaylan. Ang baboy,baka o kambing naman ay kadalasang inalay kapag may ritwal na pang maramihan o isang piging .Halimbawa ng pag alay ng baboy ng minsan kaming nagupnta sa Sagada para sa pananaliksik nakausap namin ang mag kapatid na IBALOY  ( nakitulog kami ) at na ibahagi nya sa amin na kapag ang matandang babae sa kanilang pamilya ay naka panaginip ng may mamatay dapat agad-agad na mag kakatay ng baboy at ipa mimigay sa kamag anak o kahit sa kanino man para mapigil ang pangitain.


Ngunit kadalasan  din ng mga katutubong pag alalay ay naka dipende  ito sa sasabiin ng babaylan. Dahil ang mga babaylan ang nakikipig usap muna sa mga Diwata  at kung anong napag kasunduan ay s'yang i aalay.

  • PAANO ANG TAMANG PAGKITIL NG ALAY?
Ilan sa popular na pag sasagawa nito ay isnasayaw muna ang napiling alay (sinasayawan kung malaki tulad ng baboy ) matapos nito ay tinatapik- tapik at papausukan ng sangkap o ng tabako. Sa iba naman ay binubuhusan ng alak tulad ng tuba,dadasalan at bibigyan ng basbas ng pag kasagrado.Matpos nito ay hahanapin ang litid sa leeg upang mabilis ang pag ka matay ng alay dahil kapag ang buhay ng alay ay matagal, ngangahulugang hindi ganap ang pag sasagwa.kadalasan sa mga babaylan ay inaaninag ang dugo upang humingi ng pag tanaw o sinyales ng pag sangayon.

  • MATAPOS ANG RITWAL ANO ANG GAGAWIN SA ALAY ? 
Maari itong kainin ngunit bago pa man ito timplahan  kaylangan ay alayan na ng bahagi ang anito o entidad.Maari din itong ilibing ng buo. sa iba naman ay niluluto muna at tinitimplahan ngunit hindi tinitikman hanggat hindi pa nalalahad sa altar o sa riwal.Basta paka tandaan na malaking kalapastangan ang pag kain ng una sa alay bago ang Entidad na pag aalayan o itapon ito ng wlang kapararakan .

Itunin sang

By: batahra

 
Picture
Ang DIWATA ay salitang "Bisaya o Mindanaowon " na nag mula naman sa sanskrit word na DEVATA O DEVETA ng India at sa mga Javanese naman ay DJUWATA, Boeneo;REWATA, Indonesia; DEWATA na nangangahulugang Divine, Divinity o Deity.Nuong unang panahon ang mga Pilipino ay mataas ang pag pagpahalaga at respeto sa kalikasan sapagkat dito nila kinukuha ang kanilang ikinabubuhay.Sila ay naniniwala na ang mga bagay na konektado sa kalikasan ay may buhay o may gumagabay na isang diwata. 

Ang diwata ay maaring makapag bigay ng pabuya, kalugdan ang isang tao at bayan. Ngunit maari din silang mag bigay ng sakuna o sakit sa isang taong abusado o walang respeto.Sa ibang bahagi naman ng ating bansa partikular sa mataas na bahagi ng luzon,ang tawag sa kanilang DIWATA ay BAKI o ANITO atbp. Ang dahilan ng pag kalat ng salitang diwata sa parte ng  Kabisayaan at Mindanao ay ang mayamang kalakalan ng mga lumad nuon sa mga karatig bansa. Nang sakupin tayo ng mga Kastila unti-unti nilang pilit na binura sa mga lumad ang paniniwala sa mga diwata.  Gayon nga ang nagyari at tuluyan ng nabasura sa ating mga Pilipino, di lamang ang mga tunay na kahalagahan ng mga Diwata maging ang kahalagahan ng ating sariling kultura. Sa ngayon mas kilala pa ng karamihan sa atin ang mga banyagang Diwata at mas binibigyang halaga sa edukasyon ang metolohiya ng mga banyaga . 






May ibat ibang uri ng Diwata at nahahati ito sa lima.

1.
Diwatang  langitnun o Diwatang Kaitaasan  - 

 Ito ang mga diwaatang tagapag likha tulad nila  Bathala ,Manama,Magbabaya,Kabunian at Kanlaon.Ang mga diwatang ito ayon sa mitolohiya, sila ang lumikha ng bawat bahagi ng daig-dig. bawat tribung lumad ay may sariling pangunahin Diwatang langitnun.

2
.Diwatang Ibabawnun o Diwatang Kaibabawan  -

 Ito ang mga diwatang taga pamuno o anak ng mga diwatang tagapag likha tulad nila Mayari,Apolake,Diyan Masalanta  o may malaking pinamumunoang bahagi ng daigdig halimbawa ang  araw ,buwan,hangin,dagat atbp. Ang mga diwatang ito ay walang kaparehas na pangalan sa bawat tribu na pinag mulan. sila lamang ang namumuno sa bawat bahaging nasasakupan.Halimbawa nito ay si APOLAKE, Sya lamang ang anak ni Batahala na pinangalanang Apolaki at may direktong kapangyarihang sa araw sa metolohiya ng mga tribu ng mga Taga-ilog .Hindi kahalintulad ng ikatlong uri na may maraming kaparehong klase at may pangkat na kinabibilangan.

3.
Diwatang Kailawman o Diwatang Kailaliman - 

 Ito  ang mga diwata na madalas nating tawaging laman lupa  o  engkato (sa ilang paniniwala) tulad ng Duwende,Kapre,Tikbalang atbp. Ang mga diwatang ito ay hindi lamang iisa sa bawat klase halimbawa na lamang sa ilang paniniwala na may pula,itim at puti na duwende at may mga pinuno o antas ng kanilang pangkat. 

4.
Ninuno -

Ang mga ninuno ay maitutring din na diwata sa pagkat ayon sa paniniwalang lumad (katutubo) ang mga taong kalag (kaluluwa) na o  namayapa na ay nag tataglay ito ng isang kapangyarihan na maaring makatulong sa mga buhay na tao at maari din itong makapaminsala. 

5.
Diwata ng lupa -

 Ang mga diwata ng lupa ay ang mga taong nag tataglay ng kakaibang galing o kakayanang makapang gamot,tagna at makipag usap sa mga iba pang uri ng diwata.Ito ang mga taong DIWATAAN o DIWATAHAN tulad ng Babaylan,Katalonan,Mumbaki atb. Ang uri na ito ay  na pabilang sa hanay ng mga diwata sa pagkat ang mga babaylan o katalonan ay nag tataglay ng ilang galing o kaalaman na hindi makakayang gawin ng lahat ng ordinaryong tao.

 

REBOLUSYON NG BABAYLANG TAMBLOT


Si Tamblot ang isa sa mga babaylan na namuno sa pakikidigma upang ipag laban ang paganismong paniniwala laban sa mga mananakop  na mga kristyanong kastila. Si Tamblot ay taga sunod o nananampalataya kay AY SONO at sa mga diwata,ispiritu ng kalikasan.Ang iba pang mga  babaylan ng isla ng Bohol ay sina Kator Kukon ng Tagobas,Antiqueara; Hibor Tasing ng Lihanan,Cortes; Bula-od ng Batuan; Tam-isan ng Loon; Tagbakan ng Tubigon; at Pagali ng Cargara. Ang mga Boholanos o Bol-anon ay may sarili ng paniniwalang ispiritwal bago pa man dumating ang mga Kristyanong Kastila.

Matapos ng ilang taong matagumpay na pananakop ng mga kastila sa Cebu ang dalwang pareng Jesuit na sina JUAN DE TORRES at GABRIEL SANCHEZ  ay dumayo sa bohol nuong 17 ng nobyembre1596  at matagumpay silang nakapag tayo ng kuta sa BACLAYON at mabilis na naipalaganap ang kristyanismo. Makalipas ang ilang taon dinayo naman ng mga humigit kumulan (300) tatlong daang Maguindanao Moro ang isla ng bohol  sa pamumuno nina Datu Sirongan at Datu Sali. Sa kadahilanang ito napilitang maglipat ng kuta  ang mga Jesuits sa loobang bahagi ng isla ng Buhol kung saan malayo sa tabing dagat para narin sa kanilang kaligtasan.Mula noon ang Loboc na ang nagging tirahan ng lokal na pinuno ng mga jusuit.

Ng mag simula ng lumaki at kumalat ang paniniwlang kristyanismo hindi rin ito nagging ganun kadali na matanggap ng ilan sa mga bol-anon. Kaya naman nuong taong 1621 sa pangunguna ni Tamblot bilang isang Punong babaylan ay nag simulang mag aklas sa pamamagitan ng pag hamon sa mga kastilang pare kung gaano ka makapangyarihan ang kanilang diyos. Sa pamamagitan ng kawayan ay kaylangan nilang gumawa ng himala. Sinmulan ng pareng kastila ang pagdarasl at matopos nito ay biniyak ang kawayan ngunit walang nangyari o kahit ano mang sinyales ng himala.Sumonod na si babaylang Tamblot.Isinagawa na nya ang kanyang ritwal ng pag aalay kay Ay Sono at humiling... biniyak ang kawayan at tumagas ang alak na “tuba”  na gawa sa niyog at may mga sik-sik na palay o bigas  pa na nakapaloob sa kawayan. Nanalo si babaylang Tamblot at nakuha nya ang panig ng mga tao.Nanatiling panig lamang sa mga kastila ang mga taga Loboc at Baclayon. Mabilis kumalat ang mga nangyri. Ngunit madiin din itong pinabulaanan ng mga pareng kastila na ang gawain ni tamblot ay gawaing demonyo at di isang himala kundi isang panloloko lamang.Samantalang may ilang pagkakataon din na minsang gumawa ng himala ang mga Kastilang pare tulad ng pag gamot sa napahamak na alcalde mayor Juan Alcazaro .Matagumapay itong napagaling sa ngalan ng “sagradong anak”.Ngunit hindi ito binansagang gawaing demonyo bagkus itinuring itong himala. Nakakatuwang isipin lang na ang gawain ni Tamblot ay hindi rin naman nag kalayo sa kristyanong pare. Subalit itinuring itong maka demonyo gawain at di dapat pamarisan.

Habang ang mga karamihan sa mga Jesuit  ay nasa isla ng Cebu  upang dumalo sa selebrasyon ng  pista ni st.francis Xavier.  Lumaon parin ang pananakop at nag patuloy parin si Tamblot sa panghihikayat sa mga nasasakupan na ipag laban ang kanilang paniniwala at karapatan. Umabot sa mahigit kumulang dalawang libong (2000) bol-anon ang pumanig at sumamang mag aklas kay tamblot. Ng makarating sa isla ng Cebu ang kaganapan agad-agad na nag padala ng humigit kumulang 50 na Kastilang sundalo at 1,000 Cebuano. Marahas ang nagging panlulupig .Tinugis/pinatay ang mga Bol-anon na panig kay tamblot at pinag kukuha ang mga bagay na nag papatunay sa kanilang paanampalataya o nakagawiang paniniwala  .Sinira ,sinunog  at itinapon ang mga ito  kung saan hindina mapakinabangan. Samantala ang mga gito’t pilask naman ay pinamahagi sa mga sundalo.Hindi nag tagal lumakas ang hukbo ng mga kastila at unti unting nalupig at na puksa ang  samahan ni Tamblot.Maraming nag buwis ng buhay ngunit may ilan din na nakatakas at ang mga nadakip naman ay inalipin at pinahirapan .Tumagal lamang ang rebolusyon  ng isang taon mula 1621-1622 ngunit mahalaga ang ginampanan nito sa ating kasay–sayan na marami sa atin ang hindi nakakalam .

Ikaw bilang Pilipino/Pagano pinahahalagahn mo ba ang kanilang pinag laban? o isa ka sa mga nangungutya o nandidiri sa tunay nating pinag mulan!? 

SULONG BABAYLAN! MABUHAY KA TAMBLOT!

Sa ngalan ng kalikasan ,kultura at diwa ng mga Diwata! Salamat !

"Makinabang sa banyagang kaalaman.

ngunit matutuong gamitin at pahalagahan ang ating pinag mulan"

By: Batahra

(Tribmakan/Paganong Pinoy/nagmula sa mga angkan ng Manobo)

 
BABAYLAN

Marami  parin sa ating mga Pilipino ang di lubusang na uunawaan o hindi pamilyar sa tinatawag nating babaylan . Ang ilan sa atin ay kinamumuhian at kinatatakutan pa ang  salitang ito. Ano nga ba ang babaylan at ano ba ang koneksyon nito sa ating lahi? Ito ang isa sa mga tanong na pilit nating pinag tatalunan at pinag didiskusyonan sa bawat usaping kultura o pamayanan  na di naman lubusang matanggap  o maunawaan ng karamihan sa atin.

Malaki ang ginampanan ng mga babaylan sa ating kasay-sayan.Sila ang mga  itinagong bayani ng ating lahi.Ang mga babaylan ay ang taga pamagitan sa mga Anito,Diwata o Ispiritu ng kalikasan.Sila din ay taga pamuno sa mga ritwal ng isang pamayanan o tribu tulad ng ; pag aani,pag tatanim,ritwal upang itaboy ang masamang epidemya atbp..

Nang  madugong pilit na sinakop ng mga kristyano (espanyol ) ang ating bansa dugo’t pawis  na ipinag laban ng mga punong babaylan ang karapatan at kultura na ating pinag mulan. Ipinag laban ang karapatang mag ritwal sa mga anito o diwata,ang pag sunod sa mga pilosopiya ng mga ninuno at ang paniniwalang paganismo. Ang mga kristyanong espanyol  ay sadyang masinop at marahas na ipinatupad ang kanilang layuning mananakop. Ipinalaganap nila sa pamayanan na ang gawaing babaylan ay maka "demonyo" kayat  wag itong pamarisan.At kung sino man ang lumabag ay makakatikim ng kaparusahan tulad ng pag kulong at pag papahirap hanggang sa pilit mong tanggapin ang paniniwalang kristyanismo .

Tinugis nila ang kinaroroonan ng mga babaylan kasama ng kanilang mga nasasakupan at pilit pinapa lipat ng pananampalataya (convert) . Karimahan ay pinahirapan at matapos pinatay ay pinag kukuhang pilit ang mga kagamitang pang- samba o ritwal.Sinunog at tinapon ang mga anito o idulo na kanilang inaalayan. Ngnit nagging matatag pa rin ang mga babaylan patuloy parin nilang isinasagawa at itinuturo ang gawaing babaylanismo sa kanilang nasasakupan. Ngunit di nag laon tuluyan  pa ring nasakop ang ating bansa at unti –unting na itago ang mga kalaman at gawaing babaylanismo.

KATAWAGAN AT KASARIAN


Ang salitang babaylan ay madalas na maririnig sa kabisayan. Ngunit tinatawag din itong Katalonan sa katagalugan ,mumbaki sa Ifugao, balian sa mga Ayta,bailan sa mga Manobo,baylan  sa Tagabanwa,Mabalian sa bagobo ,baylana ,bilan,at marami pang iba.Kadalasan babae ang isang babaylan ngunit ayon sa pananaliksik  marami din umano ang mga Lalaking babaylan. Ito ay ngangahulugan na di lamang eksklusibo sa kababaihan ang pagiging isang babaylan. Ngunit may ilang paglilinaw din na may mga tribu na babae lamang ang may karapatang maging babaylan at lalaki naman sa iba. May  roon din na mag kahiwalay na katawagan  tulad ng Baylan kapag lalaki at baylana sa babae. Madami mang katawagan  ibat-ibang lugar man ang pinag mulan ngunit iisa parin ang layunin at responsiblidad na ginagampanan ng mga babaylan . Sa ibang tribu o pamaynan liban sa pangunguna sa mga spiritwal na gawain ang mga babaylan ay sya naring tumatayo na pinunong politikal ng buong  nasasakupan .At sa iba naman ay mag kahiwalay  na tao ang gampaning politiikal at spiritwal. Tulad na lamang sa tribu ng mga Manobo ng Mindanao . Ang pinunong politikal ay tina-tawag na DATU at  BAILAN naman sa tagapamunong spiritwal.

PAGHIRANG NG ISANG BABAYLAN

Ang pagiging isang babaylan ay nakadipende sa tribu o pamayanang pinagmulan. Mayroong tinatwag na “tawag ng lahai “(calling) at  itinakda o saling lahi.  Ang tawag ng lahi ay kusang  nararamdaman  ng isang tao maaring idinaan sa panaginip ,inoutos ng kataas taasang  pag iisp (higher self ) o may bugso ng damdamin sa gawaing babaylanismo. Ang itinakda naman ay may proseso ng lahi na pag dadaanan .Kadalasan ang punong babaylan ay mamimili ng mga kabataan,kamag anak o ka pamilya din. Ituturo nya rito ang mga lihim na kaalaman o gawaing babaylan at mga pilosopiya. Dadaan ang isang takda o napiliing babaylan sa ilang ugnay-ugnay  at sagrado na mga ritwal.

By: Batahra (PK. Tribmakan)